bopis

viernes, enero 18, 2008

 

Aking Araw

Makailang beses sa buhay ko, ngunit pabiro, na sinabihan akong "may araw ka din!" Ilang beses na kaya akong pinag-ukulan ng ganitong mga salita nang hindi ko narinig? Na pabulong, o maaaring pasigaw ngunit sa mga lingid na silid ng kongkreto o puso. At sinusino kaya: mga nahirapang estudyante, mga hindi naworkshop nang maayos, nag-iinarteng kaibigan na nakaligtaang himasin ang ego, isang nabigwasang kapatid, nasaling na magulang - ilan kaya sa mga dating kasintahan? - at isang estranghero sa dyip na inabot ang aking pamasahe sa drayber sa kabila ng pagwasak sa kanyang araw ng nagsusumigaw kong anghit.

Bilang sukli, isang walang pangalang "may araw ka rin!"

Sinuman siya, sila, o ikaw, baka ikaliligaya mong malaman. Alam ko na kasi kung kailan.

Bukas.


Comments: Publicar un comentario

<< Home

Archives

julio 2005   noviembre 2005   mayo 2006   diciembre 2006   enero 2007   febrero 2007   marzo 2007   abril 2007   mayo 2007   junio 2007   julio 2007   septiembre 2007   octubre 2007   noviembre 2007   diciembre 2007   enero 2008   febrero 2008   marzo 2008   abril 2008   mayo 2008   junio 2008   julio 2008   agosto 2008   noviembre 2010  

This page is powered by Blogger. Isn't yours?